#RetoNiTito, Edisyon: Libro - #HabangWalaPaSila ni @TheRainBro [Giveaway]
Simula pa lang ng una akong nakapanood ng Spoken Word performance, madalas ko nang nababanggit sa iba na namnamin ang bawat bitaw ng salita, bawat kumpas ng kamay, at bawat emosyon sa mukha ng nagtatanghal. Kahit pa ikaw ang may pinakamagandang camera sa buong lugar ay ibaba mo ito, hindi mo kailangan kunin ang sandali. Ang kailangan ay maging nasa sandali ka.
Marahil ang pinakakilalang Spoken Word artist sa ngayon ay si Juan Miguel Severo. Halos imposible na wala ka pang naririnig tungkol sa kanya. Maaring magpunta sa YouTube channel ng Words Anonymous para makakita ng video ng ilan sa kanyang mga gawa sakaling wla ka pang naririnig tungkol sa kanya. Kamakailan lamang ay isang libro ang linimbag ng ABS-CBN Publishing na ang laman ay kanyang piling mga piyesa na ginawa para sa entablado.
Para sa akin, ang pagbabasa ng “Habang Wala Pa Sila” ay parang pagbalik sa mga pagtatanghal ni Gege. Gaya ng depende sa kanyang atake sa piyesa, maari ring depende ang epekto nito sa aking pagbasa. Posible na ang emosyon ay luma o kaya ay sinasariwa. Ang iba ay bagong latak sa ginagawa pa lamang na memorya ang dala. Kahit paano ko man ito balikan, ang libro ay nakapagbibigay ng bagong dimensyon sa iyong eksplorasyon ng utak ni Juan Miguel.
Nabibili ang libro sa dalawang disenyo, parehong P185 lamang sa mga bookstore. Parte ng espesyal na edisyon ng aking #RetoNiTito, mamimigay ako ng 2 kopya ng pink na design nito. Antabayanan ang mechanics dito at sa aking Twitter: @unsaulicited.

Comments
Post a Comment