Auditions for Binondo: A Tsinoy Musical set February 7-8

Binondo: A Tsinoy Musical will be directed by Joel Lamangan, is written by Ricky Lee, with music by Von de Guzman. Choreography by Douglas Nierras.

Details below:



CHARACTER SKETCHES:

LILY (25/40) -Filipina, hopeless romantic, laking Chinatown dahil sa factory ng mga Chinese nagtrabaho ang mga magulang niya noon kaya sanay na siya sa kulturang Tsino, hindi nakatapos sa college dahil namatay ang ama sa barilan sa loob ng isang club at kinailangan niyang tumulong sa ina na kumita ng pera, namasukan bilang kahera sa Divisoria bago natanggap bilang isang singer sa The Lotus Club sa Binondo, halos araw-araw bumibisita sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig, o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan) para humiling na makita na niya ang lalaking nakatadhana para sa kanya

AH TIONG (27/42) -mainland Chinese, iskolar ng Beijing University na katatapos lang ng PhD sa Amerika, pragmatic kaya hindi naniniwala sa great love o destiny kundi ang pag-ibig ay isang duty na kailangang bigyan ng commitment, tanggap niyang may nakatakda na sa kanyang aasawahin pagbalik sa Tsina, nadaan sa Pilipinas para magbakasyon ng 2 linggo bago umuwi sa Tsinang nabalitaang nabalot na sa gulo ng Cultural Revolution

CARLOS (26/41) -local Chinese, kababata ni LILY, anak ng may-ari ng factory na pinagtrabahuan ng mga magulang ni LILY noon, lumaking malapit sa mga kaibigang Pilipino, nagsimulang maging aktibista mula college kaya sinasama-sama niya si LILY tuwing may kilos-protesta, nasanay nang tinutulungan si LILY gaya ng pagpapapasok dito sa The Lotus Club na pagmamay-ari ng kaibigan ng pamilya nito, para sa kanya ang pag-ibig kahit magsimulang simple ay pinipili at ginagawang great

JASMINE (26/41) -mainland Chinese, kasamahan ni AH TIONG sa Beijing University at anak ng malalapit na kaibigan ng mga magulang nito, ang babaeng itinakda para kay AH TIONG hindi lamang dahil malakas ang mga magulang ni JASMINE sa Communist Party kundi dahil lumaki rin siyang kilala na ng pamilya, para sa kanya ang pag-ibig ay desisyon na tanggapin ang isang tao nang buong-buo

RUBY (15) -Chinese- Filipina, anak nina LILY at AH TIONG, lumaking alam ang katotohanan na hindi si CARLOS ang tunay niyang ama kaya mas mamahalin pa niya ito at isusumpang ayaw nang makita pa si AH TIONG, pinalaking Chinese ng mga magulang ni CARLOS matapos sila tanggapin mag-ina, testigo sa sakripisyo ng inang si LILY na pumayag na maging halos ghost/miyembrong walang boses sa bahay ng mga CHUA kapalit ng magandang buhay para sa kanya, matututunan mula sa halimbawa ni CARLOS na ang pag-ibig ay debosyon at ang paghahangad ng ikabubuti ng minamahal

MATANDANG TSINO/GE LAO -matandang Tsinong nagbabantay sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig para sa mga Tsino, o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan), kilala na si LILY dahil sa halos araw-araw na pagbisita ng dalaga upang hilingan ang estatwa, sa totoo’y siya ang incarnation ni Ge Lao sa lupa upang makahalubilo ang mga tao

LIDER NG KORO, at sina KORO 1, 2, 3, at 4 -mga miyembro ng Koro na magsisilbing mga tagapagkwento ng musical at gaganap sa iba’t-ibang mga karakter sa dula (hal. mga waiters sa club, reporter ng balita, lider ng mga rally, mga miyembro ng Philippine Constabulary, mga miyembro ng Red Guard, atbp.), mga alipin ni Ge Lao sa pagtatakda ng tadhana, makukulit, witty, at madalas comic relief ng mga eksena

MRS. DELA ROSA (50) -nanay ni LILY, mapagmahal, boto kay CARLOS na maging kasintahan ang anak dahil matagal na niyang napansin na may pagtingin ang binata dito, tututol sa umpisa sa pagmamahal ng anak kay AH TIONG na estrangherong aalis at baka hindi na bumalik, may malubhang sakit kaya parating nangangamba para sa kinabukasan ng anak na dalaga sakaling maiwan na niya ito

MR. CHUA (53) -tatay ni CARLOS, hindi mapagsalita kaya wala masyadong relasyon sa anak kahit mahal niya ito, tutol sa pagsama ng anak sa mga rally dahil para sa kanya sadyang magkaiba ang mga lannang (local Chinese) at mga hwanna (barbaro/pej. for Filipino), itatakwil ang anak nang bulagain siyang bitbit-bitbit nito ang anak ng dating mga pahinante na buntis

MRS. CHUA (49) -nanay ni CARLOS, maaruga at halos i-spoil ang anak para bumawi sa pagka-distant ng asawa, tradisyunal din ang paniniwala ukol sa pagkakaiba ng mga lannang at hwanna pero hinahayaan ang anak na sumama sa mga kilos-protesta dahil alam niyang ito lang ang makakapagpasaya dito, pipilitin ang asawang tanggapin muli ang anak at ang asawa nitong si LILY lalo na’t may supling na silang dadalhin (si RUBY) na palalakihin niyang halos bilang sariling anak at bilang Chinese

MR. ZHANG (58) -tatay ni AH TIONG, propesor ng sosyolohiya sa Beijing University, boto kay JASMINE para sa anak, magiging biktima ng pang-aabuso ng mga Red Guard—ipaparada at ipapahiya nila siya bilang kontra- rebolusyonaryo at iiwang nasa bingid ng kamatayan matapos ng parada

MRS. ZHANG (51) -nanay ni AH TIONG, propesor ng sikolohiya sa Beijing University, boto kay JASMINE para sa anak dahil alam niyang mabuti itong babae at mas lalo na dahil ang mga magulang lang ni JASMINE ang nakatulong sa asawa niya matapos itong pahirapan at ngayon naman ay para mapalaya rin ang anak pagkatapos itong hulihin pag-uwi ng Tsina

Comments

Popular posts from this blog

Cinema Paradiso Al Fresco at MiraNila: A Concert and Outdoor Film Screening in Manila this February 2026

Brickman Wonders of the World Extends in Manila Until March 8, 2026

Tones Through Time: A Free Piano Concert at FEU Tracing the History of Western Music