Bakit Pait? At bakit patuloy nating pinipili ang pait?
Team Ampalaya! Kumusta naman diyan? May ticket ka na ba para sa ating grand eyeball (Naabutan niyo pa ba iyon?), este, reunion...ah basta, anniversary na natin sa October 19 sa PETA! Biruin mo iyon, pupunuin na naman natin ang PETA! (Ito na ba ang road to Philippine Arena?! Cheret lamang, road to Luneta na ipapa-aircon natin, ganyan.) Naku, naku, naku! Apat na taon na tayong magkakasama sa tamis at hirap ng mga pinagdadaanan natin sa buhay pero patuloy pa rin tayong kumakapit sa pait! Alam naman natin na hindi naman talaga puwedeng puro saya at ginhawa, hindi rin naman puwedeng puro lungkot at lugmok lang ang emosyon sa buhay. Minsan man tayo napunta sa dalawang dulong iyon eh madalas pipiliin pa rin natin ang panandaliang sakit at ang laging pagka-ampalaya nating lahit. Sabi ng misheard lyrics eh walang sagot pero meron! At bakit nga ba? Medyo may pa-survey tayo recently at ito ang ilan sa mga lumabas: Sabi ni Lily: " Dahil baka may makapagsabi ng mga damdamin na hindi ko...