Bakit Pait? At bakit patuloy nating pinipili ang pait?

Team Ampalaya! Kumusta naman diyan? May ticket ka na ba para sa ating grand eyeball (Naabutan niyo pa ba iyon?), este, reunion...ah basta, anniversary na natin sa October 19 sa PETA! Biruin mo iyon, pupunuin na naman natin ang PETA! (Ito na ba ang road to Philippine Arena?! Cheret lamang, road to Luneta na ipapa-aircon natin, ganyan.)

Naku, naku, naku! Apat na taon na tayong magkakasama sa tamis at hirap ng mga pinagdadaanan natin sa buhay pero patuloy pa rin tayong kumakapit sa pait! Alam naman natin na hindi naman talaga puwedeng puro saya at ginhawa, hindi rin naman puwedeng puro lungkot at lugmok lang ang emosyon sa buhay. Minsan man tayo napunta sa dalawang dulong iyon eh madalas pipiliin pa rin natin ang panandaliang sakit at ang laging pagka-ampalaya nating lahit. Sabi ng misheard lyrics eh walang sagot pero meron! At bakit nga ba?

Medyo may pa-survey tayo recently at ito ang ilan sa mga lumabas:

Sabi ni Lily: "Dahil baka may makapagsabi ng mga damdamin na hindi ko kayang sabihin."

Huy, Lily, relate na relate tayo riyan. Minsan talaga gusto nating sumabog at magsabi ng mga...(Masasamang? Masasakit? Malalambing? Mapagmahal na..?) mga words! (Fan din kaya si Kit Thompson ng Ampalaya Monologues?) Sige, Lily, Ampalaya Monologues ang bahala sa'yo. Pagkatapos ng show, hintayin mo ang upload ng performance tapos padala mo na sa kanya, kung sino man siya. At sana ay ma-gets nman siya at hindi siya masyadong dense!
Lipat tayo kay Larry: "Dahil hindi ko pa nahahanap ang sarili kong tinig at hindi ko alam kung mahahanap ko pa ito. Malaking pasasalamat ko sa mga mahuhusay na makata ng Ampalaya Monologues at sa mga makata ng bansa natin dahil sila yung nagiging boses ko. Sa husay ng mga likha nila nailalabas ko yung mga luhang di nagkukusang umalis, yung mga sakit na tinitiis ko nagiging simple at natatanggap ko ng buo, at higit sa lahat... 
yung tinig ko sakanila ko naririnig, kahit pansamantala, ang mahalaga may mga taong handang maging tinig  ng nga taong pinagkaitan na ng tadhana."

Pati na rin kay Joseph: "Sapagkat ang mga akda o sulat (performance) ng mga monologista at manunula ay tumatagos sa aking damdamin para bang ako'y kanilang nakukuha sa pamamagitan ng kanilang pag-arte habang binibigkas ang kanilang mga piyesa. At isa na din dahil nais ko na maging tulad nila na maging isang inspirasyon sa mga taong pikit ang mata sa lipunan dahil hindi lamang nakabase sa pag-ibig ang piyesang kanilang binibigkas kundi pati nandin sa kinalalagyan ng sintang Bayan.."

Larry, Joseph,  tanggap ko na na mahirap talagang hanapin ang sariling boses sa Sining. Mag-iipon na lang muna ako ng pera para makanood ng mga pagtatanghal sa mga lugar gaya ng Commune, Jess & Pat's, Buku-Buku Cafe, saka sa PETA. Mag-aaral ako lalo ng performances at mag-pupursigi sa pag-sulat. Kasi sabi nga ng mga succesful ay kailangang i-consume mo ang craft para maging magaling at mahanap sa sarili ang pagiging makata. Isa pa, sabi nga pala ito ng isang famous philosopher: "Go! Go! Go!" - Rufa Mae Quinto.
Move on naman tayo sa sagot ni Krisha: "Bitter ako, manonood pa lang ako bes sa oct 19 hahaha"

Pareho sila ng tema ni Fercevim: "hindi pa ako nakakanuod pero gusto ko sila mapanuod kasi nakikita kong masaya sila sa ginagawa nila"

Welcome ang lahat manood ng Ampalaya Monologues! Maging mag-isa ka man o kasama mo ang buong barangay (Kaya ba buong city ang isama? Challenge?!), eh siguradong sulit ang biyahe at kirot! Walang limit ang Team Ampalaya, alam niyo iyan.
Siyempre may entry rin si Tinay: "Kasi ito 'yong uri ng art na hindi mo kailangan ng brain para maintindihan 'yong kwento. Ang kailangan mo lang ay puso -- buo man 'yan o wasak. Kahit na hindi ka broken, after mong manood, feeling mo brokenhearted ka na rin. Kung hindi ka naman happy, dahil sa minsan may happy monologues, nagiging happy ka na rin. Damay-damay lang ng emosyon."

Tama ka, Tinay, performers na ang bahala sa brain, kailangan mo lang andoon ka at i-witness mabuhay ang mga piyesang masulat. Tama na damay-damay na dama ng buong teatro o kung saan man tinatanghal!
At ngayon na nga ang best time manood kasi 4th anniversary na ng Ampalaya Monoluges sa October 19 sa PETA! Bagong set ng monologues ito na ide-debut sa entablado. Ito na ang pinaka ng Ampalaya Monologues kaya bawal palampasin! See you there! For more details: https://www.facebook.com/events/671512429991345/

Comments

Popular posts from this blog

Cinema Paradiso Al Fresco at MiraNila: A Concert and Outdoor Film Screening in Manila this February 2026

Brickman Wonders of the World Extends in Manila Until March 8, 2026

Tones Through Time: A Free Piano Concert at FEU Tracing the History of Western Music