Work In Progress

Isang madaling araw tumonog ang aking telepono
Boses mo'y sumilakbo - claro sa pandinig ko: "Wala na tayo, putang ina mo."
Claro ang pasok, pero utak na bagong gising gulong-gulo
Ulit-ulit na tinawagan, ulit-ulit na binagsakan
Pumasok na lamang sa trabaho, kahit balot ng karimlan
Kamanhirang dahan-dahang nababawasan, kamanhirang humihingi ng sumasakop ng kalamnan

Sinakop aking bibig, kinaibigan ang kamay,
Usok ay pinasok sa baga, alak sa atay
Sinakop ang mata, pinayagan makikita ng hindi umiintindi
Halos sa lahat, titig naging masidhi
Sinakop ang utak at ang puso na tila alam na magkaaway
Pinagbati para palabisan ang mga alaalang ayaw mawalay

Ilang linggo bago mo ako pinayagang ika'y makita
Kunwari normal ako, may kape, kunwaring nagtatrabaho
Pumasok ka sa pintuan na parang wala lang - una kang nagsalita
Sinbukan kong lumaban, pero sinakop na rin pati aking lalamunan
Tuluyan mo nang winasak sa harap ko ang bagay na sinara ng aking kamalian

Nauna kang naupos at nagpasiya sa katapusan
Tinanggap ko ng bahagya, mga pisngi'y naging daluyan
Tubig na ilawod, naglinis, natuyo
Mga pinagtuunan mo ng pansin, dahilan ng panibugho
Ilan pang lingo, ilan pang buwang pananakop
Emosyong puno ng pag-asa, nakalimot ng pagod

Pag-asang humina rin hanggang tumibok para sa panibago
Tinig mong puno ng pananabik, boses na hinahanap sana ay ako
Entablado - gawin nating ating mundo
Pagbanggain natin ang ating mga pangalan nang ako'y mapasa'yo
Aking hinahanap na sining sa'yo, oo sa'yo, nasa iyo

Dito ka manirahan sa akin, sa'yo ang puwang na binuhay ng iyong tikas
Ikaw ang nahanap na pipintuhin ng aking buong lakas
Pabayaan mo akong bumuo ng mga bagong yinari
Paraluman, Lakambini, Diwata

Comments

Popular posts from this blog

Cinema Paradiso Al Fresco at MiraNila: A Concert and Outdoor Film Screening in Manila this February 2026

Brickman Wonders of the World Extends in Manila Until March 8, 2026

Tones Through Time: A Free Piano Concert at FEU Tracing the History of Western Music