Sakaling Mahalin Mo Ako
This is a series of tweets that was posted with #MessageForMyCrush originally. It may or may not be a work in progress. Sakaling mahalin mo ako, sasaluhin ko ang lahat ng emosyon mo para masuklian ko ng buong pagkatao ko. Sakaling mahalin mo ako, hindi ito ang magiging katapusan o pagkamit ng pangarap. Ito lamang ang simula, pagsilang. Sakaling mahalin mo ako, mas magiingat ako sa aking buhay. Hihilingin kong humaba nang maramdaman ng buo ang iyong puso. Sakaling mahalin mo ako, hinding-hindi ka magiisip na walang nagkakagusto sa'yo. Mararamdaman mo bawat segundo ang tayo. Sakaling mahalin mo ako, lahat ng insecurities mo mamahalin ko rin at mahihiya sila, maglalaho. Sakaling mahalin mo ako, hindi mo kailangan magbago. Kung sino ka, kung magiging sino ka pa, parte ng kung sino tayo. Sakaling mahalin mo ako, hahayaan mo ba akong tumitig lang sa mga mata mo? Pangarap ko kasing malunod sa mundo mo. Sakaling mahalin mo ako, malalaman ng lahat na ang ganda, ang ganda ganda mo.