Paano Manood ng Spoken Word

Una: Alamin agad ang mga detalye ng event.

Siguraduhing alam ang kung saan, magkano, at anong oras. Buoin ang schedule sa araw na iyon, pati na rin ang mga gagawin kinabukasan palibot sa mga detalyeng ito. Posibleng lumagpas ng alas-dose ang performances.

Pangalawa: Dumating ng maaga.

Mabuti na ng maaga at makakapili ng upuan kesa nakatayo ka na lang. Mas masarap mangalay sa magandang puwesto kesa sa gilid at nakikisiksik. Ni minsan ay hindi masarap ipilit siksikin ang sarili para sa lamang sa bagay na gingusto mo.

Pangatlo: Ihanda ang sarili habang may puwesto na.

Hindi kailangang magpakamanhid. Tamang bawas lang ng emotional baggage para makasalo ng emosyon ng performers. Yung sakto lang para manamnam ang bawat salita, bawat tunog, bawat kumpas.

Pang-apat: Gamitin ang iyong cellphone pero hindi para kumuha ng video.

Ang Spoken Word ay isang performance art. Mas mainam kung nakatutok ka sa nasa entablado. I-document ang pangyayari sa pictures o sa tweets pero huwag pabayaang mangalay ang kamay dahil kumukuha ka ng video. Hayaang masugatan ang emosyon at ihayag sa Social Media. Nasa Pilipinas tayo, mabagal ang internet. Maiinis ka pa kung video ang ginawa mo at ang tagal ma-upload. Tweet at post ka na lang. At siguraduhing may official hashtag.

Pang-lima: Palakpakan.

Bilang tao, hindi ka ganon kamanhid at nawalan ka ng capacidad humanga. Iparamdam ang pag-appreciate sa taong nagbuhos ng puso at kaluluwa nila sa'yo para lumawak ang pagkatao mo. 

Pang-anim: Kilalanin ang mga nagtanghal.

Tao po sila, maaring kausapin pagkatapos ng performance. Magpa-picture, i-follow sa Twitter, Facebook, Instagram, o Snapchat kung meron. Love nila kayo, promise.

Pang-walo: Ikuwento sa iba.

Huwag maging sakim at angkinin lang ang experience para sa sarili at mga nakasama. Yayain ang iba pa sa susunod na malaman mong may bagong performance. 

Pang-siyam: Ulitin mula sa una.

Comments

Popular posts from this blog

Cinema Paradiso Al Fresco at MiraNila: A Concert and Outdoor Film Screening in Manila this February 2026

Brickman Wonders of the World Extends in Manila Until March 8, 2026

Tones Through Time: A Free Piano Concert at FEU Tracing the History of Western Music