Drawing Na Lang Ba Ang Sarswela?
Malamang sa malamang eh matagal na rin ang huli mong panood ng mga nagtitinisan na boses at mga kakisigang mga Ginoo sa entabladong Pilipino. Hindi ko na nga maalala ang kung kailan sa akin. Hindi na rin ganoon kaimportante dahil maaring balikan ang lumipas sumila bukas, Nobyembre 12, sa SDA Theater sa Pablo Ocampo ang Paglayang Minamahal.
Unang bubulagta sa’yo ay ang parang ginuhit na bahay, pagkatapos ay ang mga tauhan na para rin lamang ginuhit. Kusang gagalaw, kakanta, magsisimula. Simbulismo ng pagkapapantay-pantay. May pag-angat ang mga bida, kahit hindi sila ang pinakamayaman.Pamilyar ang kuwento pero ang bawat galaw ng mga propesyonal na aktor ay kagigiliwan. Simpleng paglaki ng mata o simpleng pag-pose, malaki ang tulong sa pagunawa ng ibig ibatid ng karakter. Ang bawat mala-kundiman na kanta ay napapalamutian ng tamang kilig, drama, pati saktong pasok ng komedya.
Balikan ang panahon ng rebolusyon sa mata ng mga uhaw sa paglaya. Sariwain ang sarswela habang ito ay buhay pa.






Comments
Post a Comment