Si @dsoshalnetwork kasi...Mga Medyas na may Sariling Yapak
Ewan ko ba pero kamakailan ang dalas kung bigyan ng mga sariling buhay ang mga bagay sa paligid. Gaya ng Mga Puso Na May Sariling Tibok. Sa ngayon, medyas muna. Kasi naman ang The Soshal Network, naghanap ng hiwaga ng medyas dito: http://www.thesoshalnetwork.com/2015/11/24/ang-medyas/
So I blame The Soshal Network, and Adele's 25.
Disclaimer: Hindi ko masyadong inedit. Free verse lamang, walang ginamit na mga panuntunan.
Mahilig din ako sa critic.
Mga Medyas na may Sariling Yapak
Minsan pinili kita, pareho tayo, bagay
Madalas magkatabi lang tayo, buong araw, buong gabi
Tinatapon magkatabi, nakasalampak sa isa't isa
Papaikutin, lilinisin, magkalayong magpapadausodos, lilinis
Lalabas na lang at pilit hahanapin ka, pupulupot
Uulit.
Bagay.
Magdamag,
Nakasalampak.
Magpapdausdos hanggang luminis.
Pupulupot.
Babagay sa buong gabing nakasalampak ang magpapadausdos, magmamalinis at pupulupot
Babagay sa buong gabi
Sa kahabaan ng gabi, mag-iisa
Walang magawang nagpadausdos at wala nang mahanap
Walang magawang patuloy na magpapadausdos sa pagmamalinis ng kapares
Mag-isang mauubusan ng sarili
Butas, magkakabutas
Ninipis, ubos na ang silbi

Comments
Post a Comment